Land Transportation Office - National Capital Region East (G/F LTO Main Office Bldg., East Avenue, Quezon City, Philippines)

ANO BA TALAGA ANG KUWENTO SA LIKOD NG MGA PLAKA? SAAN AT PAANO BA NAGSIMULA ANG PROBLEMA? (by: Asec. Goddes Hope Libiran)

ANO BA TALAGA ANG KUWENTO SA LIKOD NG MGA PLAKA? SAAN AT PAANO BA NAGSIMULA ANG PROBLEMA?

Ang kontrata na binabanggit sa 2020 COA Report tungkol sa mga plaka ng sasakyan ay napirmahan noong 2014 sa pagitan ng DOTC at PPI-JKG.

Ang coverage ng pinirmahang kontrata ay mula 2014-2017, kung saan inaasahang magsu-supply ang PPI-JKG ng 5.2 million pairs ng motor vehicle (MV) plates at 9.9 million piraso ng motorcycle plates sa LTO hanggang 2017.

Noong 2015, naghain ang COA ng Notice of Disallowance sa pagbabayad sa PPI-JKG.

Sa kasamaang palad, mahigit 4 million pairs ng MV Plates at 7.2 million na plaka ng motorsiklo ang HINDI NAI-DELIVER ng contractor.

Dahil sa mga nakitang iregularidad sa kontratang napirmahan noong 2014, naglabas noong 2016 ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court sa produksyon ng plaka sa ilalim ng kontrata. Ang naging resulta? Republikang Walang Plaka simula 2014-2017.

Ngayon, ano ang ginawa ng Duterte Administration at ng kasalukuyang DOTr at LTO upang masolusyunan ang problema?

Pinayagan ng DOTr sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Art Tugade na makakuha ang LTO ng pondo para pumasok sa bagong kontrata para sa produksyon ng mga plaka.

Noong late 2018, na-lift ang notice of disallowance ng COA at TRO ng Supreme Court, at nai-award na ang kontrata sa isang bagong contractor sa pamamagitan ng isang maayos na public bidding.

Noong 2018, itinayo ng LTO ang LTO Plate Making Facility, na siyang nag-e-expedite at naghahabol ngayon ng produksyon ng mga plakang hindi naimprenta simula 2014.

Noong 2018 nagsimula ang LTO na makapag-release ng mga plaka ng mga 4-wheeled vehicles at iba pang sasakyan.

Sa ngayon, mahigit 3.9 na pares ng MV plates na ang nai-produce ng LTO, samantalang 3.6 million piraso ng motorcycle plates naman ang nai-produce ng LTO na may bago nang disenyo.

Labas pa dito ang mahigit 2 million na replacement plates na nai-produce ng LTO simula 2018.

*Tingnan natin ang challenges na hinaharap ng LTO ngayon.*

Alam natin na kagaya ng ibang ahensya ng gobyerno, ay nireremit ang LAHAT ng kanilang kita sa National Treasury. Ibig sabihin, sa tuwing may proyekto ang LTO, kinakailangang humingi sila sa national government ng budget allocation para mapondohan ang mga proyekto.

Upang ma-address ang kakulangan sa plaka, nag-request ang LTO ng P1.8-Billion para sa calendar year 2020. Sa kasamaang palad, P696-Million lamang dito ang naaprubahan.

Para sa calendar year 2021, nag-request naman ang LTO ng P3.5-Billion para sa produksyon ng mga plaka, ngunit P736-Million lamang ang na-release sa kanila. Ang pondong ito ay tama lamang upang magawa ang ang mga plaka para sa 2021, ngunit hindi ang mga backlog.

For calendar year 2022, nag-request na ang LTO ng P2.6-Billion na budget para ma-meet nila ang demand na makapag-produce ng 16 million na plaka hanggang June 2022.

Umaasa ang LTO ngayon na ito ay maaaprubahan.

 

– by: Asec. Goddes Hope Libiran (Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs of the Department of Transportation (DOTr))

posted on Facebook last August 14, 2021

 

 

Check this out! >>> List of Ready for Release Replacement Plates [Green to White Plates] – (Region: LTO NCR – East)